maraming nagsasabing baliw daw ako kasi kung anu ano nilalagay ko sa blog ko. and i just want to say sorry, sa mga taong nasasaktan ko or naiinis saken dahil sa blog na ito. this is the only way i know how will i express my feelings.. kaya nga blog di ba? memorable saken ang Month of April. bukod sa marami akong kakilalang may birthday ng April, anniversary ko din ang April sa Noinois(fans cclub ni marky), and finally na relieve ako dahil nasabi ko na. alin?. ung mga bagay na dpat kong sabihin, ayoko ko lang masyadong i detalya kunganu ung mga nangyari, pero finally nasabi ko na.
minsan akala mo na mali ang desisyon mo sa mga bagay na kinatatakutan mo. minsan CONFUSE ka kasi hindi mo alam kung tama ba ang ginawa mo or mali. sa sarili ko, hindi ko pinagsisihan at hinding hindi ko pagsisisihan na nasabi ko na sa kanya.ayoko kasing itago ito forever kagaya ng mga ginawa ko sa past. na hanggang sa nawala na ung feelings ko para sa kanila na hindi nila nalaman. this point, gusto kong maging open lahat,, ung tipong wala akong tinatago. ayokong may isusumbat sa akin sa huli, ang point ko, naging honest lng po ako. i'm in a relationship. siguro konit lng ang nakakaalam. hindi kasi ako mapalakwento, lalo na sa mga taong alam kong hindi mapagkakatiwalaan. sa school namen, isang classmate ko lang ang nakakaalam. sa mga barkada ko, LAHAT! kasi ayokong may masabi siya sa akin na hindi ko siya pinagmamalaki. kaya bumawi ako sa barkada. may mga gusto siya, merong mga ayaw.gnon naman tlga di ba?... hindi mo papipilit lahat ng tao na magustuhan ko. pero masaya ako sa barkada ko kasi sinoportahan nila ako. pero nagkaroon kasi ng problem. maxadong mabilis ang mga pangyayari. hndi ko alam ang nagyari, pero i fell out of love. OPO! nawala ung spark na akala ko magtatagal. nawala ung feeling na "SHET! may jowa na ako". maraming naging conflict sa amin. wala na kameng mapagkwentuhan, hindi kame madalas nagkikita, although may CP hindi pa rin kame maxadong nagkakausap. pero may isang bagay na talgang naging dahilan kung bakit na fell out of love ako. nahulog ang loob ko sa ibang tao. OPO! alam naman ng jowa ko yun, LAHAT! kasi kagaya nga nang sabi ko, gusto ko OPEN lahat. ang sabi niya, gagawin daw niya lahat para mabalik ung feelings ko para sa kanya, and binigyan ko naman siya ng chance. hanggang kailan? hindi ko alam. hanggang ngayon pinipilit kong bumalik ung nararamdaman ko para sa kanya. nag monthsary na kame, pero hindi ko alam pero parang wala na meron. pag hindi siya nagtetxt, hindi ako mapakali, pero pag anjan na siya, wala naman akong maramdaman. nakakainis na nakakalito.
kailanman, hindi ko sinisi ang taong nahulugan ko ng loob. kilala siya ng jowa ko. close friend ko siya. naging mag buddy kame sa lahat ng kagaguhan.hehe! inamin ko sa kanya at nararamdaman ko, despte na in a relationship din siya. OPO!. ang gulo namen nu..hehe! hindi ako nageexpeect any in return mula sa kanya, hindi ko sinabing makipagbreak siya at patulan ao, ang sinabi ko lang sa kanya, na sana manatili ung friendship and closeness naming dalwa. i can't say na inlove na inlove na tlaga ako sa kanya, ayoko kasing mailang siya sa akin, and seriously pinipigilan ko. ayoko din kasing masaktan ung taong nagmamahal sa akin.
PARA SAYO, SORRY HA. AYOKO KASING MASAKTAN KA. GINAGWA KO ANG LAHAT, SANA IKAW DIN. SORRY TALGA...
AND KAY BOSS! THANK YOU BOSS! THANK YOU!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment